Inaasahan na magdadala ng malalakas na pag-ulan at hangin ang super typhoon Rosal, na may international name na Champi sa ilang parte ng Luzon ngayong Miyerkules, kahit pa hindi naglaland-fall sa bansa ayon sa state weather bureau.
Sa weather bulletin na inilabas ng state weather bureau, huling namataan ang bagyong Rosal sa layong 990 kilometers sa silangang bahagi ng Northern Luzon. Taglay nito ang bilis na hangin na aabot sa 215 (kph), at bugso na aabot sa 265 (kph)
Patuloy itong gagalaw sa kanluran hilagang kanlurang bahagi na may bilis na 30 kph. Hindi naman ito direktang tatamaan ang kalupaan ng bansa sa buong forecast period nito.
Ilan naman sa mga probinsyang maaapektuhan ng bagyo ay ang Batanes, Apayao, Ilocos Norte, Isabela at Catanduanes ngayong Miyerkules.
Apektado rin sa mga pag-ulan ang Ilocos Sur, kasama rin ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bicol Region at Quezon Province.
Samantala, itinaas na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar.
- Batanes
- Babuyan Islands
- Northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud)
- Northern and eastern portions of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Santa Teresita, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Ballesteros, Abulug, Allacapan)
- Northeastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)
- Northeastern portion of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)
Samantala, katamtamang lagay naman ng panahon ang mararanasan sa ilang natitirang bahagi ng Luzon. Asahan naman ang localized thunderstorms sa hapon at gabi.














