-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tapos na ang southwest monsoon o habagat season.

Ayon sa PAGASA, na nagkaroong sila ng mga obserbasyon ng malakas na high pressure system sa East Asia,southward-migrating Intertropical Convergence Zone (ITCZ), at ang pagbagal ng hangin ganun din ang pagbawas ng mga ulan dulot ng habagat.

Ang nasabing mga kondisyon ay inaasahan na mananatili sa mga susunod na araw dahil sa opisyal ng nagtapos ang habagat.

Dagdag pa ng state weather buruea na ito na rin ang pagtatapos ng panahon ng tag-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas.

Sa mga nagdaang araw kasi ay naobserbahan nila ang paghina ng hangin at pagbawas ng pag-ulan na may kinalaman sa habagat ang nakita noong nakaraang mga araw.

Magugunitang nagsimula ang Southwest Monsoon noong Mayo 30 habang ang idineklara ang tag-ulan noong Hunyo 4.

Una ng sinabi ng PAGASA na ang Amihan season 2025-2026 ay magiging mainit at mababawasan ang lamig kumpara noong nakaraang mga taon.