-- Advertisements --

Arestado ang 11 Chinese at isang Pinoy sa isinagawang raid sa hinihinalang scam hub sa Sitio Batulao, Barangay Kaylaway, Nasugbu, Batangas ngayong Huwebes November 19.

Ayon kay Calabarzon Police Regional Regional Director PBGen. Dominic Baccay, isinagawa nila ang operasyon bansang alas-kwatro ng madaling araw.

Kasama rin ang joint team mula sa Regional Special Operations Unit, Batangas Police Provincial Intelligence Unit, Nasugbu Police at ang local government’s Permits and Licensing Office.

Ayon sa mga awtoridad na ang suspek ay nagsasagawa ng kanilang operasyon sa tatlong palapag sa isang townhouse-condominium building.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga law enforces, kung saan hinihinala na isa itong scam hub, at inihalintulad din ni Bacay sa konsepto ng POGO.

Nakumpiska ng pulisya ang 18 desktop computers, 18 laptops, anim na flash drive mula sa condominium. Isasailalim naman ang electronic devices sa forensic examination matapos makapaghain ang ma awtoridad ng cyber warrant.