-- Advertisements --
Na-disqualified si Russian tennis star Daniil Medvedev sa China Open matapos na tamaan ng bola ang isang audience.
Nangyari ang insidente sa semifinals game niya laban kay Novak Djokovic.
Hawak ng Serbian tennis star na si Djokovic ang kalamangan 7-5, 5-3 ng maganap ang insidente.
Agad na na-defaulted ang Russian player dahil sa pangyayari.
Tinamaan sa kaliwang mata ang lalaking audience kung saan agad itong sinamahan palabas ng court.
Sinabi nito Medvedev na labis siyang nalulungkot at hindi niya sinasadya ang pangyayari.
Humingi ito ng paumanhin sa tinamaan niya ng bola kung saan handa niya itong kausapin ang biktima.















