-- Advertisements --

Ibinunyag ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na pinalawig ng Russia ang kanilang pag-atake.

Ayon kay Zelensky na tinarget ng Russia ang kanlang mga data centers at internet providers.

Ang nasabing pag-atake ay makakaapekto sa buhay ng mga mamamayan ng Ukraine lalo na ginagamit ito sa kanilang pag-aaral at trabaho.

Pahayag ito ni Zelensky matapos ang pagtama ng Russian drone sa business center sa Kyiv na ikinasawi ng apat na katao kung saan nagtamo ng damyos ang data center.

Kinumpirma naman ito ng Russia kung saan ginagamit umano ng Ukriane ang lugar para sa military intelligence.

Dahil dito ay nanawagan si Zelensky sa mga bansang kaalyado nila na tulungan sila para mapanagot ang Russia.