-- Advertisements --
Nabigo si Pinay tennis star Alex Eala at Zeynep Sonmez ng Turkey sa women’s doubles ng Madrid Open.
Hindi sila pinaporma ng magkapares na sina Taylor Townsend at Katerina Siniakova sa score na 1-6 at 7-5.
Hindi nakaporma ang dalawa sa pinagsamang puwersa ng world number 2 at number 5 kung saan naging matindi ang kanilang simula.
Tinapos lamang ng Czech-American duo ang laro sa loob ng isang oras at 10 minuto ng round of 16 women’s doubles.
Magugunitang nitong Biyernes ay nabigo na rin si Eala sa women’s singles.
Susunod na laban naman ng Pinay tennis star ay sa BNL d’Italia sa Rome na isang WTA 1000 clay tournament.















