Tumutol si Senator-Judge Tito Sotto sa pagpapaliban ng impeachment proceedings matapos humingi ang defense team ni Vice President Sara Duterte ng dagdag na oras para masuri ang mga rekord mula sa Anti-Money Laundering Council o AMLC.
Ayon kay Sotto, dapat ay nakapaghanda na ang prosecution at defense para sa mga naturang dokumento dahil hawak na umano nila ang isyu mula pa noong Hulyo.
Sinabi rin ni Sotto na hindi niya nakikitang makatuwiran ang postponement dahil lamang sa Hindi nabigyan ng sapat na oras ang isang panig para suriin ang mga rekord.
Samantala, sinabi ni Senator-judge Alan Peter Cayetano na may kapareho siyang reservations kay Sotto.
Gayunman, hinikayat pa rin niya ang impeachment court na pagbigyan ang request ng depensa para sa dagdag na oras.
















