-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na dating nagsilbi bilang security detail ni dating House Speaker Lord Allan Velasco si Rodolfo Gracioso Jr.

Si Gracioso Jr. ay ang dating pulis na nagbunyag sa umano’y ilang beses niyang pagdeliver ng male-maleta ng pera kay VP Sara Duterte, habang siya ay nagsisilbi bilang security detail ni Velasco.

Ayon kay Nartatez, dati nang naharap sa mga kasong administratibo at kriminal si Gracioso noong 2021 at 2022 habang nakadestino sa Police Regional Office 4A.

Dati na rin siyang pinatawan ng suspension ngunit agad din niya itong naisilbi.

Ang kaniyang pagkakadismiss sa serbisyo aniya ay resulta ng mga serye ng imbestigasyon at bahagi ng ‘administration of justice’ sa panig ng PNP.