-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad sila ng maximum tolerance sa lahat ng mga magsasagawa ng kilos protesta kasabay ng ASEAN Summit.

Ayon kay Police Brigadier General Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police (PNP) na lahat ng mga lugar kung saan mayroon ang inaasahang kilos protesta ay kanilang babantayan.

Hiniling din nito sa mga protesters na dapat ay intindihin ang ipinapatupad nilang paghihigpit.

Paglilinaw din ni Co na mapipilitan lamang ang mga kapulisan kapag nakita nila na mayroon ng paglabag na isinasagawa ang mga protesters na makakasira sa gaganapin ASEAN Summit.

Una ng nag-anunsiyo ang ilang grupo na magsasagawa sila ng kilos protesta kung saan isasabay nila ito sa pagdating sa bansa ni US President Donald Trump.

Magugunitang mayroong mahigit 23,000 na mga kapulisan at kasundaluhan ang ipinakalat na sa iba’t-ibang bahagi ng National Capital Region para matiyak na ligtas ang nasabing pagtitpon.