-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga panganib sa kalusugan na dulot ng ashfall mula sa Bulkang Mayon na nakaapekto na sa 20 barangay sa rehiyon ng Bicol.
Sa pahayag nitong Martes, iginiit ng DOH na mapanganib sa kalusugan ang ashfall at pinayuhan ang mga residente na magsuot ng safety goggles, face mask, at damit na may takip ang braso at binti upang makaiwas sa masamang epekto nito.
Noong Enero, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon matapos maobserbahan ang tumitinding magmatic unrest. (report by Bombo Jai)
















