-- Advertisements --
Patay ang 14 na katao at marami ang nasugatan matapos ang karambola ng ilang sasakyan sa Fujairah, United Arab Emirates.
Ayon sa interior ministry ng UAE, nawalan ng kontrol ang isang truck at tumama sa ilang sasakyan.
Aabot sa 23 na mga sasakyan kabilang ang limang trucks ang nasangkot sa nasabing aksidente.
Dahil na rin sa matinding banggaan ay nasunog pa ang truck.
Dinala naman sa pagamutan ang 38 na katao habang isinailalim sa DNA test ang mga biktima para sila ay makilala.
Karamihan sa mga nasawi ay mga Emirati nationals habang ang ilan ay mga Indian.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.















