-- Advertisements --

Bumiyahe patungong United Arab Emirates (UAE) si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Nakipagpulong si Netanyahu kay UAE president Sheikh Mohammed bin Zayed.

Napag-usapan ng dalawang lider ang usapin ng giyera sa Iran kung saan parehas na naging malalim ang papel ng UAE at Israel.

Pinalakas din ng dalawang lider ang ugnayan at relasyon nila.

Kasama ni Netanyahu ang asawa nito at ilang mga opisyal gaya ng head ng National Security Council, military secretary at political adviser.

Ang pagbisita ni Netanyahu ay naganap halos isang buwan bago ang gagawing halalan sa Israel sa darating ng Oktubre 27.