-- Advertisements --
Kinumpirma ni US President Donald Trump na nakausap ng mga US officials ang mga mediators na nagsusulong ng pagtigil ng kaguluhan sa Iran.
Hindi na nagbigay pa ng ibang mga detalye ang US president kung ano ang natalakay ng mga mediators na mula sa Qatar.
Nakatakda ring kausapin ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi angmga mediators sa pagtungo niya sa New York.
Ilan sa mga tatalakayin nila ay ang tuluyang pagpapatigil ng kaguluhan kung saan mabigyan ng daan ang pagbubukas ng Strait of Hormuz.
Muling iginigiit ni Trump na mananalo ang US sa giyera nila sa Iran.
















