-- Advertisements --

Itinakda ng Senado ang pag-amyenda sa Disyembre 4 ang P7.2-trillion budget bill para sa taong 2027.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, na kanilang tinapos na ang plenary deliberation sa mataas nakapulungan ng Kongreso nitong Biyernes.

Mula kasi noong Nobyembre 23 hanggang 27 ay sinimulan ng Senado ang marathon debates sa panukalang budget kung saan umabot pa ng madaling araw ng Sabado, Nobyembre 28.

Dagdag pa ni Gatchalian, na sa Disyembre 4 ay isasagawa ang period of amendments kung saan ito ay ipapasa sa ikalawang pagbasa.

Dahil dito ay mayroong panahon ang mga Senador na pag-aralan ang nasabing panukalang budget sa weekend.

Target din ng Senado na ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng nasabing panukalang budget pagdating ng Disyembre 7.

Giit nito na dahil sa hindi certified urgent ito ay mayroon pa silang pagkakataon na pag-aralan ng mga Senador ang nasabing budget.

Ibinunyag din nito na nagsumite na ang ilang mga Senador ng kanilang amendments at ang kanilang amendments ay dapat ilagay sa official website ng Senado.