-- Advertisements --

Nagpaabot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng pakikiramay kay United Arab Emirates Vice President at Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid al Maktoum sa pagpanaw ng kapatid nitong si Sheikh Ahmed bin Rashid al Maktoum.

Si Sheikh Ahmed, na 76 taong gulang, ay deputy chairman ng Dubai police and public security.

Sa isang post online kaagad, sinabi ni Marcos na ipinapaabot niya ang kanyang “Pinakamalalim at taos-pusong pakikiramay” kay Sheikh Mohammed sa pagpanaw ng kanyang minamahal na kapatid.

Sinabi ng Pangulo na nakikiisa ang kanyang pamilya, gayundin ang mga pilipino at ang pamahalaan, sa mga taga-dubai at sa pamilya al maktoum sa pagdadalamhati.