-- Advertisements --
Nanawagan si Vice President Sara Duterte para sa pamumunong inuuna ang serbisyo publiko, integridad at pananagutan, sa halip na ituring na pribilehiyo ang paghawak ng posisyon sa pamahalaan.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Duterte na dapat hangarin ng mga Pilipino ang isang bansang may dignidad, seguridad at pag-asa, kung saan nagiging realidad ang mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga mamamayan.
Binigyang-diin din niya ang papel ng mga lider sa paghubog ng direksiyon ng bansa, at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang pangarap para sa susunod na mga henerasyon.
Ayon kay Duterte, Hindi dapat mawasak ng kaguluhang pampulitika ang pangarap ng mga Pilipino para sa kanilang bansa.















