-- Advertisements --
Binigyan linaw ng Philipipne National Police (PNP) na hindi nila idinidikit sa pulitika ang nakumpiskang ilang daang kilong droga sa Laos na tangkang dadalhin sana sa Pilipinas.
Sinabi ni PCol. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police (PNP), na kanilang kinokontra ang lumabas na balita na iniuugnay sa pulitika ang nasabing isyu.
Giit nito na dumadaan sa legal ang kanilang imbestigasyon kung saan lahat ng mga impormasyon ay kanilang hinahalungkat.
Mayroon na rin silang natukoy na mga suspek na nasa likod ng nasabing nagtangkang magpuslit ng droga.
Magugunitang inilabas na ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nasa likod ng nasabing tangkang pagdadala ng droga sa bansa.














