Inilahad ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pananaw sa mga pangunahing problema ng bansa, kabilang ang korapsyon, mataas na presyo ng mga bilihin, kahirapan, kakulangan sa trabaho at limitadong oportunidad para sa mga Pilipino.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni VP Duterte na patuloy umanong pinahihina ng korapsyon ang mga institusyon ng pamahalaan at nauubos ang pondong dapat sana ay para sa mahahalagang serbisyong publiko.
Bilang tugon, inilarawan ni VP Duterte ang isang Pilipinas na may malinis at mahusay na pamahalaan, abot-kayang pangunahing pangangailangan, makatarungang sahod, de-kalidad na edukasyon at serbisyong pangkalusugan, at sapat na oportunidad para sa mga kabataan.
Iginiit din niya ang pangangailangan ng pamahalaang may pananagutan, patas na hustisya, paggalang sa karapatang pantao at pamumunong nakabatay sa integridad, kakayahan at paglilingkod sa mamamayan, sa halip na kapangyarihan, koneksiyon o kayamanan.














