-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na poprotektahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027 laban sa pang-aabuso at korapsyon.

Ayon sa Palasyo, mahigpit na babantayan ng Pangulo at Department of Budget and Management ang paggamit ng pondo upang matiyak na mapapakinabangan ito ng mga Pilipino. Maaari ring busisiin ng mga mambabatas ang mga panukalang pagbabago sa budget sa bicameral conference committee deliberations.

Ipinaliwanag din na may mekanismo ang DBM na for later release, kung saan hindi muna ilalabas ang ilang pondo hangga’t hindi napapatunayang makatarungan at sapat ang batayan ng proyekto.

Hindi naman nagbigay ng sagot ang Palasyo kung isasaalang-alang ng Pangulo ang reenacted budget sakaling may matukoy na iregularidad, at sinabing hindi muna ito dapat pangunahan.