Naghain ng petisyon ngayong araw sa Kataas-taasang Hukuman ang isang abogado ukol sa ‘voting threshold’ ng Senate Impeachment of Court.
Ayon kay Atty. Ernesto Francisco Jr, kanyang inihian ang ‘petition for certiorari and prohibition’ upang kwestyunin ang naganap na deliberasyon ng senado kamakailan.
Kinukwestyon aniya ang ginawang desisyon o ‘interpretasyon’ ng Senate Impeachment Court sa pagbabago ng ‘voting threshold for conviction’.
Habang kanyang nilinaw naman na ang paghahain ng petisyon ay bilang isang mamamayan ng bansa at iginiit walang koneksyon sa anumang partido.
Naniniwala si Atty. Francisco Jr. na tanging Korte Suprema lamang ang may karapatan magpaliwanag ng tiyak na intepretasyon sa probisyon ng Saligang Batas.
Delikado aniya ang sitwasyon ngayon kung saan mga pampublikong opisyal o ang mga Senador ang siyang nagdedesisyun sa magiging interpretasyon ng batas.
Alinsunod dito’y hiling ng petisyuner na mag-isyu ng ‘Status Quo Ante Order’ ang hukuman upang bumalik sa sitwasyon bago ang naturang kontrobersiya.
Hindi aniya isinama sa kahilingan ang pagkakaroon ng ‘Temporary Restraining Order’ sapagkat itinuturing ‘co-equal branch’ ng Hudikatura ang Lehislatura.
Kung kaya’t hiniling ng abogado na maipawalang bisa na lamang o maideklarang ‘null and void’ ang naganap na deliberasyon ng senado noong ika-23 ng Setyembre.















