Tiniyak ng Energy Regulatory Commission (ERC) na sinusuri na nila ang mga outage allowance ng mga generation plant na nag-o-off grid at nagiging sanhi ng kakulangan sa suplay ng kuryente sa Visayas.
Ito ay kasunod ng panawagan ni Senate President Win Gatchalian sa ERC na imbestigahan ang patuloy na power supply shortages sa Visayas at Mindanao, na aniya ay nakaaapekto rin sa presyo ng kuryente sa mga rehiyon.
Ayon kay ERC Director Atty. Ma. Corazon Gines, tinitingnan na nila ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng outage ang mga generation plant at kung pasok pa ito sa pinapayagang outage allowance.
Aniya, ikukumpara ng ERC ang aktuwal na outage ng bawat power plant sa kanilang allowable outages.
Kapag napatunayang lumampas sa itinakdang allowance, maaari umanong mapatawan ng multa ang mga power generator na maaaring umabot mula Php 50,000 hanggang Php 50M, depende sa paglabag.















