Isasailalim muli sa yellow at red alert ang Visayas grid ayon sa abiso na inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines ngayong Miyerkules, October 28.
Makararanas ng red alert ang Visayas grid mamayang alas-singko ng hapon hanggang alas-sais ng gabi. Habang yellow alert naman mamayang alas-dos ng hapon hanggang alas-singko ng hapon, at alas-sais ng gabi hanggang alas-otso ng gabi.
Ayon sa NGCP mayroong 10 planta ng kuryente ang nasa forced outage o sapilitang hindi umaandar ngayong buwan ng Oktubre. Samantala, may iba pang mga planta na matagal nang hindi gumagana.
Isa sa mga dahilan na nakapag-aambag sa red at yellow alert ng NGCP ay ang limitadong power imports mula sa Mindanao at unavailability ng mamalaking coal plants sa Visayas tulad ng TVI 1, TVI 2, at KSPC 1.














