-- Advertisements --
Inilagay sa Yellow Alert ang Visayas Grid simula 5:00 PM hanggang 7:00 PM ngayong Setyembre 17, 2026 matapos bumaba ang operating margin na kailangan ng transmission grid.
Bumaba ang antas ng babala kumpara kahapon nang sumailalim ang rehiyon sa Red Alert dahil sa mas malalang manipis na suplay ng kuryente.
Ayon sa datos, mayroong 2,505MW na available capacity laban sa inaasahang peak demand na 2,290MW.
Sanhi ng idineklarang Yellow Alert ang hindi paggana ng malalaking coal plants na TVI 1 at PEDC 3 pati na rin ang limitadong pagpasok ng suplay ng kuryente mula sa Mindanao Grid.
Aabot sa 820.6MW ang nawawalang kapasidad sa grid dahil sa paksa ng forced outage ng ilang planta at pagtakbo ng 14 na iba pa sa derated capacity.














