Ilulunsad sa gaganaping 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Most Anticipated Award, isang bagong parangal na magbibigay ng pagkakataon sa mga Filipino moviegoers na iboto ang pelikulang pinakaaabangan nilang panoorin.
Inanunsyo ang nasabing parangal matapos pormal na selyuhan ng MMFF ang bagong pakikipagtulungan sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa ilalim ng bagong kategorya, maaaring bumoto nang libre ang publiko, kung saan ang pelikulang makakakuha ng pinakamaraming valid votes ang pararangalan sa 52nd MMFF Awards Night sa Disyembre 27.
Dumalo sa contract signing sina MMDA at MMFF chair Atty. Romando “Don” Artes, pati na ang iba pang stakeholders.
Matatandaang sumuporta rin ang kumpanya sa ika-51 edisyon ng festival noong nakaraang taon sa pamamagitan ng pagbibigay ng P250,000 para sa Best Picture at P100,000 para sa Best Director, bukod pa sa pakikilahok nito sa Parade of Stars at premiere nights.
Nakatakdang magbukas sa mga sinehan ang 2026 MMFF sa Disyembre 25 tampok ang walong official entries, habang gaganapin naman ang iba pang festival activities sa mga co-host na lungsod ng San Juan, Mandaluyong, at Bacolod City.














