-- Advertisements --

Interesado ng United Arab Emirates (UAE) at Saudi Arabia na magtayo ng oil storage facilities sa bansa.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na walang anumang gagastusin ang bansa.

Dahil dito ay hindi na maiiwan ang bansa tuwing mayroong problema sa suplay ng langis sa mundo.

Dagdag pa ni Abad na ang panukalang foreign-owned hubs ay commercially operated subalit nais ng gobyerno ng arrangement na magbibigay ng prioridad o ‘reserve rights’ kapag nagkaroon ng krisis sa suplay ng langis.

Sakaling maaprubahan ay magkakaroon ng target na 50 milyon na bareles ng langis ang mailalagay sa nasabing hub.

Nakikipag-ugnayan na ang bagong buong Philippine Strategic Petroleum Reserve team sa Saudi Arabia ukol sa nasabing plano.