-- Advertisements --

Naghahanda na ang Makati City para sa hosting sa 2nd Regional Forum on Human Rights Cities in ASEAN.

Nakatakda ang naturang event sa November 3 at 4, 2026 kung saan inaasahang pag-uusapan sa dalawang araw na hybrid conference kung paano maisasakatuparan ang high-level human rights commitments sa mga lokal na komunidad at pagprotekta sa karapatan ng bawat isa.

Inaasahang makakagawa ang mga delegado ng mga rekomendasyon sa ASEAN para maprotektahan ang karapatang pantao at maipakita ang 4th Philippine Human Rights Plan.

Kasama rito ang iba pang programa na pinondohan ng European Union, kabilang ang EU-Governance in Justice (EU-GOJUST) Programme, isang partnership sa pagitan ng EU at PH government, kasama ang Supreme Court, Department of Justice, at DILG, na may layuning makabuo ng epektibo, accountable, at people-centered justice system.

Tinatayang aabot sa 54 na delegado ang dadalo nang personal sa aktibidad, kabilang ang 35 dayuhang kalahok.

Inaasahan ding magkakaroon ng virtual attendees mula sa iba’t ibang bahagi ng Southeast Asia at Europe.