Pinalakas ang seguridad sa Central Visayas sa pamamagitan ng pagtatalaga ng halos 4,000 tauhan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa 20th ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) 2026.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rolan Aliser, tagapagsalita ng Police Regional Office-7 (PRO-7), magsisimula ang opisyal na deployment ngayong Lunes, Oktubre 26, at magpapatuloy hanggang Nobyembre 1 upang masakop maging ang mga operasyon matapos ang summit.
Kabilang sa mga itinalagang pwersa ang 2,312 pulis mula sa PRO-7, 478 mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), 341 mula sa Philippine Navy, 214 mula sa Philippine Army, at 60 mula sa Philippine Coast Guard (PCG), kasama ang tulong ng BJMP, DOH, at Office of Civil Defense.
Upang matiyak ang lubos na kahandaan sa pagpupulong na gaganapin mula Oktubre 26 hanggang 30, pinansamantalang sinuspinde ang mga leave ng mga pulis at inilagay ang buong hanay sa heightened alert status.
Magpapakalat ng mga awtoridad sa mga pangunahing rutang dadaanan ng mga delegado, sa kanilang mga tutuluyang hotel, at sa mga lugar na pagdarausan ng aktibidad matapos ang ginanap na send-off ceremony sa Mactan Shrine sa Lapu-Lapu City noong Oktubre 23.
















