Naglaan ang pamahalaan ng aabot sa halos P10.96 bilyong halaga na tulong para sa mga magsasakang naapektuhan ng epekto ng Super El Niño phenomenon, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Miyerkules.
Ayon sa Office of Civil Defense ang assistance ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang protektahan ang food security sa gitna ng matinding tagtuyot.
Sa huling ulat na 106 lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang ilang bahagi ng Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol, SOCCSKSARGEN, at Caraga.
Ilan sa mga probinsyang nagdeklara ng state of calamity ay ang Isabela, Cagayan, Camarines Norte, Dinagat Islands, at Agusan del Sur.
Iniulat ng DA ang humigit-kumulang P6.87 bilyong halaga ng pagkalugi at pinsala sa agrikultura, kung saan humigit-kumulang 249,000 ektarya ng pananim ang naapektuhan.
Sinabi ni Castillo na tinutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka na matukoy kung aling mga pananim ang angkop sa kasalukuyang kondisyon upang makatulong sa pagtiyak ng tuloy-tuloy na suplay ng pagkain sa bansa.
Ipinapatupad naman ang cloud-seeding operations sa mga apektadong lugar.
Ang cloud seeding ay isang paraan ng weather modification kung saan nilalagyan ng ilang uri ng maliliit na particle ang mga ulap upang mapataas ang posibilidad o dami ng pag-ulan.
Karaniwang gumagamit ng eroplano o iba pang paraan para magpakawala ng particles gaya ng silver iodide, salt particles, o dry ice sa mga ulap kung saan paraan ito upang dagdagan ang ulan sa panahon ng tagtuyot.
















