-- Advertisements --

Muling isinailalim sa Yellow Alert ang Visayas power grid ngayong Biyernes, Nobyembre 27, dahil sa manipis na reserbang suplay ng kuryente.

Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nakatakdang ipatupad ang Yellow Alert mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi. 

Nasa 2,500 megawatts (MW) ang available capacity ng Visayas grid, habang inaasahang aabot sa 2,428 MW ang peak demand. 

Ibig sabihin, 72 MW lamang ang pagitan ng suplay at inaasahang pangangailangan ng kuryente sa rehiyon.