-- Advertisements --
Nakalikom ang National Food Authority (NFA) ng P936.5 milyon na kita mula sa ginawang pag-subasta sa mga nakatambak na bigas.
Ang nasabing halaga ay nahigitan nila ang target na aabot sa P912.4-M.
Naibenta sa auction ang nasa 90 percent na mga matagal ng nakatambak na bigas.
Layon ng nasabing pag-auction ay para mapaluwag ang kanilang mga bodega dahil sa nalalapit na ang panahon ng anihan.
Ayon sa NFA na nakapagbenta sila ng 32.5 milyon na kilos ng bigas na may average price na P28.00 kada kilo.
Masusing sinuri ng NFA ang mga dokumento ng bidders bago maisapinal ang sales contracts.
Aabot kasi sa halos 740-K na mga sako ng bigas na nakatambak mula tatlo hanggang 18 buwan.















