-- Advertisements --

Inanunsiyo ng legendar singer na si Stevie Wonder ang kaniyang US at European tour.

Sa kaniyang social media account ang nasabing tour ay kasabay ng ika-50 taong anibersaryo ng kaniyang album na “Songs in the Key of Life” na inilabas noong 1976.

Magsisimula ang 18-lugar sa Birmingham, England sa darating na Oktubre 13.

Iikot ang 25-time Grammy winner sa Europa gaya ng Paris, Copenhagen, Amsterdam at London.

Habang ang US tour niya ay magsisimula sa Madison Square Garden sa New York sa Nobyembre 19.

Isasagawa rin nito ang concerts sa mga lugar ng Chicago, Washington DC, Detroit na magtatapos ang tour sa Intuit Dome sa Los Angeles sa Disyembre 19.

Matapos kasi na mailabas ang “Songs in the Key of Life” noong Setyembre 1976 ay nanguna ito sa mga song charts ng 14 na linggo.

Ang mga kanta sa albuma na “I Wish” at “Sir Duke” ay nanatili rin sa unang puwesto.

Nagkamit ito ng “Album of the Year” at ito ay idinagdag sa Library of Congress’ National Recording Registry.

Ang 76-anyos na si Stevie Wonder ay isinilang sa Saginaw, Michigan noong 1950 kung saan noong 11-anyos pa lamang ito ay kinuha na siya sa Tamla label ng Motown.

Sa edad naman nito na 13 ay nakapasok sa Billboard Hot 100 ang kanta nitong “Fingertips”.

Taong 1989 ng ma-induct siya sa Rock & Roll Hall of Fame.

Noong 2024 sa kaniyang ika-74 kaarawan ay ginawaran siya ng Ghanian citizenship ng dating pangulo ng Ghana na si Nana Akufo-Addo.