-- Advertisements --
Matapos ang limang taong proseso, opisyal nang kinilala bilang legal na mga anak ni Bobby Ray Parks Jr. sina Lucas at Zebbiana, mga anak ng kaniyang asawang si Zeinab Harake.
Ibinahagi ng mag-asawa ang mahalagang yugto ng kanilang pamilya sa sa kanilang YouTube vlog, kung saan inilahad ang pagkumpleto ng adoption process sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Authority for Child Care (NACC).
Naging bahagi ang NACC sa pagproseso ng legal na adoption upang matiyak na napangangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga bata.












