-- Advertisements --

Ipinahayag ng aktres na si Marian Rivera na hindi siya naaapektuhan sa mga pumupuna sa kanyang kakayahan sa pagsasalita ng ingles, sa panayam niya savlog ni Zeinab Harake.

Ayon kay Marian, hindi dapat maging batayan ng katalinuhan o kakayahan ng isang tao ang lenggwahe.

“May mga tao kasi talaga na madaling manghusga ng kapwa nila. Pero ‘di nila alam ‘yung pinanggalingan, bakit ‘yung isang tao ay nagiging ganoon,” ani Marian.

Ibinahagi rin niya na ang kanyang lola ay hindi nakatapos ng high school, kaya wala umanong nagturo sa kanya para maging fluent sa Ingles.

‘At ang lola ko, hindi nakapagtapos ng high school. ‘Yun ‘yung pinanggalingan ko. Sino ang magtuturo sa akin para maging fluent ako sa English?’

Dagdag pa niya, kaya naman niyang mag-aral ng Ingles, pero pinili niyang tahakin ang landas kung saan siya komportable at masaya.

“Just to please everyone to speak English, bakit ‘yun magiging basehan ng pagiging mahusay?” pahayag pa nito.