Habang unti-unti na papalit ang halalan at may mga ilan ng nagdedeklarang tatakbo sa 2028 elections. Iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na katiwalian ang mananatiling pinakamalaking hamon sa sinumang nagnanais mamuno sa bansa.
Ayon kay Lacson, bago magtapos ang kaniyang panunungkulan sa pamahalaan sa Hunyo 2031, umaasa lamang siya na mananaig ang tama para sa bansa sa mga darating na dekada. Aniya, naniniwala umano siya na katiwalian ang pinakamalaking balakid sa pagkamit ng kaunlarang pang-ekonomiya at pag-unlad na nararapat sa mga mamamayang Pilipino.
Sinabi ni Lacson ang mga pahayag matapos na mag-anunsyo si Vice President Sara Duterte noong Myerkules, Pebrero 18 ng kanyang intension na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.
Kaugnay nito, sinabi ng senador na may Karapatan ang bawat Pilipinong kwalipikado sa ilalim ng Kunstitusyon na tumakbo sa anumang halal na posisyon. Aniya, may kani-kaniyang dahilan ang Bise Presidente at mga tagapayo nito sa kaniyang maagang pagdedeklara. Gayunman, sinabi ni Lacson na Mabuting hangarin at Goodluck ang maibibigay niya kay Duterte at sa sinumang magpapasyang tumakbo upang panumuan ang Pilipinas.
Samantala, inihayag din ng tinaguriang “United Opposition” na bago magtapos ang taon maglalabas sila ng mga listahan ng mga kandidatong tatakbo para sa kanilang hanay sa 2028 elections.
















