-- Advertisements --

Iprinisenta ng House Prosecution panel ang umano’y mga joint accounts nina VP Sara Duterte at dating Pang. Rodrigo Duterte, at mga sariling accounts nina VP Sara at Atty. Manases Carpio na nasa ilalim ng Bank of the Philippine Islands (BPI).

Ang mga naturang bank accounts ay naglalaman ng milyon-milyong halaga ng cash deposits.

Sa pagharap ni Marwin Galvez, Division Head ng BPI Central Manila Branches, inisa-isa ng House panel ang laman ng mga ito mula noong 2022 hanggang sa kasalakuyan.

Lumalabas na may ilang active bank accounts na nakarehistro sa BPI at nakapangalan kay Vice President Sara Duterte at Atty. Manases “Mans” Carpio at iba pang joint accounts nina VP Sara at ng kaniyang ama na si dating Pang. Duterte.

Sa kabilang banda, mahigit 34 na ang nairehistro ng bank management na closed individual accounts na nakapangalan sa mga nabanggit na account holder.