-- Advertisements --

Pinabulaanan ni Marian Rivera ang mga online rumors na diumano’y may problema ang kanyang pagsasama kay Dingdong Dantes, matapos lumabas ang isang viral blind item tungkol sa isang celebrity “power couple.”

Ayon kay entertainment columnist Rose Garcia, agad na tumawag si Marian upang ipaliwanag na ang blind item ay hindi tungkol sa kanilang pamilya. Binigyang-diin ng aktres na ang ganitong uri ng tsismis ay lumalabas halos bawat taon, lalo na tuwing Enero, kahit na patuloy silang nakikita sa publiko bilang magkasama.

Matatandaang ikinisal ang “power couple” noong 2014 at may dalawang anak, sina Zia at Sixto.

Patuloy silang aktibo sa pag-arte sa telebisyon at pelikula at itinuturing na isa sa mga matatag na relasyon sa showbiz.