KALIBO, Aklan—Nakikiisa ang National Union of Students of the Philippines sa panawagan na ibalik ang nakaugalian at nakasanayan na holiday sa bansa sa pag-alala sa 1986 EDSA People’s Power Revolution bawat Pebrero 25.
Ayon kay Matthew Gonzaga, NUSP Panay regional coordinator, nagmarka ng makasaysayang pangyayari ang EDSA People’s Power kung saan, kailangang alalahanin at kilalanin ang kontribusyon ng lahat na nanguna sa malaking rebolusyon na nagresulta sa pagbalik ng demokrasya sa bansa.
Dagdag pa ni Gonzaga nga kailangang malaman ng mga kabataan ang kahalagahan ng maituring na historic event dahil sa naging mapayapa at hindi bayolenteng rebolusyon na isinagawa sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) na tumuldok sa diktaturyang rehimeng Marcos Sr.
Nabatid na isang House Bill (HB) No. 7911 ang inihain ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno kung saan, layon nito na ang bawat Pebrero 25 o EDSA People’s Power Day ay oobserbahin bawat taon bilang regular na holiday upang hindi magkaroon ng kalituhan ang publiko.
















