Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa isang sasakyan na sinasabing pagmamay-ari ni MMDA General Manager Nicolas Torre III, matapos makitang dumaan sa EDSA busway noong August 23, 2026.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes, inamin naman ni Torre na sa kanya ang nakitang sasakyan na nakitang dumaan sa mismong EDSA busway.
Ayon pa kay Artes na hindi naman umano ito magiging hadlang ang nasabing insidente sa sinumpaang trabaho ni Torre sa MMDA. Dagdag pa nito na nakatanggap na sila ng show-cause order mula sa Land Transportation Office matapos makita ang plaka ng sasakyan na nakarehistro sa MMDA.
Sinabi naman ng LTO na isinuko agad ni Torre ang nasabing patrol vehicle ng MMDA matapos itong makatanggap ng show-cause order dahil sa paggamit ng maling plaka.
















