-- Advertisements --

Inilabas na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang huling apat na pelikula na kalahok sa festival ngayong taon.

Pinangungunahan ito ng pelikulang “A Perfect Marriage” na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino; hitorical drama na “Los Salvajes Bravos,” na pinagbibidahan ni Romnick Sarmenta.

Pangatlong nakasaman ay ang family drama na “Little Hope” na pinagbibidahan ni Pepe Herrera at Yassi Pressman at ang huli ay ang “Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel D. Gallardo, CMF” na documentary film na pinagbibidahan ni Zaijan Jaranilla.

Una ng inanunsiyo ng MMFF noong Hulyo ang unang apat na pelikula na ito ay ang “Second Miracle in Cell No. 7” na pinagbibidahan ni Aga Muhlach; “Amir’ na ang bida ay si Dennis Trillo; “Haunted Carnival” na pinagbibidahan ni Julia Barreto at ang huli ay “The Greatest Showdown” na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Vice Ganda.

Gaganapin ang gabi ng parangal ng 52nd MMFF sa Disyembre 27.