-- Advertisements --
Sasailalim sa komprehensibong rehabilitation ang limang istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) 3.
Kinumpirma ito ng Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon matapos ang ginawa niyang inspection sa Quezon Avenue Stations nitong araw ng Biyernes.
Ang mga station na sasailalim sa rehabilitation ay ang Kamuning, North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue.
Habang ang natitirang pito sa 13 station ay sasaillalim sa rehabilitation sa pamamagitan ng Public-Private-Partnership (PPP) arrangement sa susunod na taon.
Ang modernization ay mismong iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dagdag pa ng Kalihim na target nila sa pagbabago para sa maging komportable ang nasa 500,000 na mga mananakay ng MRT.














