Naabsuwelto ang international pop star na si Shakira sa kasong tax fraud sa Espanya matapos ang halos isang dekada ng paglilitis.
Sa desisyon ng National High Court, pinawalang-sala siya sa paratang na hindi nagbayad ng tamang buwis noong 2011.
Ayon sa korte, hindi napatunayan ng tax authorities na nanirahan siya sa bansa nang higit sa 183 araw, dahil 163 araw lamang ang kanyang pananatili. Dahil dito, inutusan ang gobyerno na ibalik sa kanya ang mahigit €55–60 milyon (katumbas ng halos $70 milyon o P4.27 bilyon) na maling ipinataw na multa, kasama ang interes.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Shakira na wala talagang pandaraya at hindi ito napatunayan ng Tax Agency.
Binanggit niya na halos sampung taon siyang tinuring na guilty at nakaranas ng matinding kampanya para sirain ang kanyang reputasyon.
Dedikado raw ang kanyang tagumpay sa mga ordinaryong mamamayan na nakakaranas ng pang-aabuso mula sa sistemang buwis.
Ang Spain ay kilala sa mahigpit na pagbabantay sa mga kilalang personalidad kaugnay ng buwis, kabilang sina Lionel Messi at Cristiano Ronaldo.
Lumabas ang balita ilang araw matapos ianunsyo si Shakira bilang isa sa halftime performers sa FIFA Men’s World Cup final ngayong tag-init.
















