-- Advertisements --
Naantala ang mga transportasyon at ilang serbisyo sa gobyerno sa Spain dahil sa isinagawang malawakang kilos protesta.
Ito ang kauna-unahang general strikes sa loob ng 14 na taon.
Panawagan nila ang problema sa pabahay at ang mataas na bilihin sa nasabing bansa.
Ilan sa mga malawakang kilos protesta ay isinagawa sa Madrid at Barcelona.
Nangyari ang kilos protesta ilang araw bago ang parliamentary elections na gaganapin sa Nobyembre 29.
Inihayag naman ng Spanish Confederation of Business Organisations na walang gaanong epekto ang nasabing kilos protesta kung saan nagpatuloy pa rin ang kanilang mga negosyo.
Ilang mga protesters din ang inaresto ng mga kapulisan lalo na ang mga nagtangka na pumasok sa mga opisina ng gobyerno.














