-- Advertisements --
Ligtas na nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 29 na katao matapos masiraan ng motorbanca sa karagatan malapit sa Calibangbangan Island, Linapacan, Palawan, noong Nobyembre 9, 2026.
Nakaranas ng problema sa makina ang MBCA Princess Ruby Ann-1 nang mabali ang propeller shaft nito habang naglalayag. Dahil dito, agad na itinigil ang makina upang maiwasan ang karagdagang pinsala at matiyak ang kaligtasan ng mga sakay.
Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station New Colaylayan at San Fernando. Matapos masiguro ang pagkakakabit ng mga panghila, isinagawa ang emergency towing upang maihatid ang motorbanca sa San Fernando Port sa El Nido, Palawan.













