-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa White House si Soccer superstar Cristiano Ronaldo.

Ang nasabing pagbisita ay matapos ang pulong ni US President Donald Trump kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.

Si Ronaldo ay naglalaro sa Saudi Pro League na nagtala ng 143 international goal para sa Portugal.

Siya rin ang unang lalaking manlalaro na nagtala ng goal sa limang World Cups.

Magugunitang siya ang unang bilyonaryong manlalaro sa mundo matapos ang pagpirma nito sa Al Nassr football team.