-- Advertisements --

Hindi muna makakalaro nang hindi bababa sa dalawang linggo ang Golden State Warriors star na si Stephen Curry matapos magtamo ng oblique abdominal muscle.

Maagang lumabas sa laro si Curry sa kanilang laban kontra Houston Rockets matapos makaramdam ng pananakit sa unang quarter, agad na sumailalim siya sa MRI upang matukoy ang kondisyon ng kanyang injury.

Dahil sa injury, inaasahang hindi makakalaro si Curry sa susunod na pitong laban ng Warriors kontra San Antonio Spurs, New Orleans Pelicans, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies, Boston Celtics, Sacramento Kings, at Portland Trail Blazers.