-- Advertisements --

Sugatan ang 44 katao matapos na madiskaril ang isang train sa Normandy, France.

Ang regional train ay may lulan na 186 na pasahero mula Rouen patungong Caen ng ito ay madiskaril ng bahagi ng Cleon.

Isang 18-anyos na babae naman ang nagtamo ng matinding sugat sa katawan kaya kinailangan pa itong isakay sa helicopter para dalhin sa pagamutan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.

Ang huling aksidente sa train ay nangyari noon pang Hulyo 2013 sa bahagi ng Bretigny-sur-Orge sa Southern Paris kung saan pitong katao ang nasawi.