-- Advertisements --
Nasawi ang isang pasahero ng pampasaherong tren matapos na ito ay madiskaril sa riles nito sa Poland.
Mayroong kabuuang 120 na pasahero ang sakay ng tren ng mangyari ang aksidente sa Sokolniki Suche na matatagpuan sa mahigit 100 kilometro ng Warsaw.
Aabot din sa 20 katao ang sugatan sa nasabing aksidente kung saan ito na ang pangalawang insidente sa loob lamang ng ilang linggo.
Sinabi ni Polish Prime Minister Donald Tusk na ang aksidente ay isang seryosong pangyayari kaya mahalaga na magtulungan para maipatupad ang paghihigpit.
Base inisyal na imbestigasyon na mayroong tumama sa likod ng carriage ng isang cement mixer kaya nangyari ang aksidente.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.
















