Patay ang pitong katao matapos ang salpukan ng tricycle at isang sports utility vehicle (SUV) sa San Juan, Batangas.
Base sa imbestigasyon, bigla na lamang inagaw ng SUV ang linya ng tricycle na punong-puno ng mga pasahero.
Dahil sa pangyayari ay tumilapon pa ang mga pasahero ng ilang metro.
May ilang pasahero ang nasagasaan pa ng mga dumaan na mga coaster bus na sumusunod sa likod ng SUV.
Sinabi ni San Juan PNP chief Police Lieutenant Colonel Crispin Banes, dahil sa matinding banggaan ay nayupi ang tricycle.
Lima sa mga pasahero ang naideklarang dead on arrival habang ang dalawa ay nasawi rin ilang oras sa pananatili sa pagamutan.
Patuloy na nilalapatan ng lunasa ng dalawang taong gulang na bata na nag-iisang nakaligtas sa aksidente.
Nakapiit na sa PNP ang babaeng driver ng SUV at ito ay nahaharap sa patong-patong na kaso maging ang coaster bus driver na nakasagasa sa mga pasahero ay papatawan ng kaukulang kaso.















