-- Advertisements --

SPAIN, INAASAHANG MAGSASAGAWA NG GRAND PARADE MATAPOS MANALO LABAN SA ARGENTINA SA 2026 FIFA WORLD CUP
Unread post by bombolaoag » Mon Jul 20, 2026 3:46 pm

Inaasahang magsasagawa ng grand parade ang Spain matapos nilang talunin ang Argentina sa iskor na 1-0 sa FIFA World Cup.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Maribel Rosal mula sa Spain, isang kapana-panabik na laban ang naganap sa pagitan ng dalawang bansa, kung saan napanatili ang kontrol sa bola sa loob ng 70 hanggang 80 porsyento ng laro.

Sinabi niya na naniniwala siyang nanalo ang Spain dahil maraming mas bata sa kanilang koponan, kaya mas naging agresibo sila sa laro.

Ipinaliwanag niya na libu-libong football fans ang dumalo upang panoorin ang livestreaming ng nasabing malaking sporting event.

Sinabi rin niya na pinayagang umuwi nang mas maaga ang mga estudyante at manggagawa sa Spain upang mabigyan sila ng pagkakataong mapanood ang laban.

Idinagdag niya na ito na ang ikalawang beses na naging kampeon ang Spain sa FIFA World Cup sa loob ng 16 na taon.