-- Advertisements --

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang hotlines para makatulong na mapabilis sa paghahanap kay Senator Ronald Dela Rosa.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Allen Rae Co, na ang nasabing hotlines ay maipaparating ng publiko ang mga impormasyon na kanilang nalalaman para maaresto ang puganteng Senador.

Patuloy ang ginagawa nilang pagtugis sa Senador subalit mas mainam aniya na boluntaryo itong sumuko para maiwasan ang anumang madugong engkuwentro.
Binalaan din nito ang mga nga prank callers na kanilang sasampahan ng kaso ang mga ito.

Tiniyak din ni Co, na mayroon silang sapat na bilang o puwersa para sa paghahanap sa Senador.

Huling nakita sa publiko ang Senador ay noong buwan ng Mayo kung saan mula noon ay hindi na ito nakita.

Sa buwan ng Nobyemnbre ay mag-iisang taon na ng maglabas ang International Criminal Court ng warrant of arrest laban sa Senador matapos na madamay sa kasong crime against humanity sa giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan naging hepe ng Pambansang Pulisya noon ang Senador.